“Lots of people want to ride with you in the limo,
but what you want is someone who will take the bus with you
when the limo breaks down”
-OPRAH WINFREY
I just read today about this famous quote from a famous person. Una ko itong na-encounter almost a decade ago (Year 2000). Sa aking pagtanda, it’s a nice foundation to learn who your friends are and who are not.
For the past few years, I’ve been described as “tahimik, antipatiko, suplado, maangas, autistic (WTF!!! AUTISTIC! AKO!!!) at misteryoso (huh???)” I guess (hula ko lang) why such attitudes (or at least what the other people thinks and what they tell about me) are perceived is because I do live in some principles (as of
(1) Hindi ako nangingialam ng buhay nyo, kaya huwag nyo pakialaman ang buhay ko. Makialam lang kayo sa buhay ko kapag (a) nangialam ako sa inyo o (b) nagpapahiwatig ako na pwede kayo mangialam.
(3) Madalas pero hindi sa lahat ng pagkakataon. kung ano ang pinapakita nila kung sino sila, ay hindi talaga sila. EXAMPLE: Super Mabait, Super Friendly pero actually, sa loob, backfighter, sobrang manggagamit (ok lang manggamit it’s a human nature/need, pero ‘wag naman sobra) at ito ang tunay na ehemplo ng tinatawag na “FRIENDS WITH BENEFIT” – yung tipong kaibigan kita kapag may kailangan lang ako.
(4) Matalas ang dila ko, baka wala kang mukha iharap sa akin kapag hindi ko nacontrol sasabihin ko. Hirap ako makipag-plastikan pero marunong ako makisama. Kaya madalas tahimik lang ako dahil minsan hindi ko alam na sapul ang mga salita ko sa pagkatao ng taong hindi ko naman kaano-ano.
(1) TRUE FRIENDS
- sa oras ng pangagailangan, hindi sila nagdadalawang isip na dumamay.
- Kahit ang kumpareng panahon ay naglalakad sa buhay nila, nandyan pa rin sila.
- Kahit hindi sila ang-usap ng matagal na panahon, parang kahapon lang sila nagkita kapag nagkaroon ng pagkakataon na makipag-usap .
- Sinasabi mo kahit paano ang parte ng sikreto mo (hindi kailangan sabihin ang buong sikreto o lahat ng sikreto mo… just a piece of it would do)
- Konti lang mga ito
(2) FRIENDS
- marami ito pero hindi mo sila sinasabihan ng deep secrets mo.
- Sila yung mga kaibigan mo because of circumstances (dahil nasa school ka, nasa opisina ka, nasa isang lugar ka)
- Hindi ganun ka lalim pero hindi rin ganun ka babaw ang relasyon nyo.
- Masarap kausap
(3) ACQUIANTANCE
- pwedeng friend of a friend
- kilala molang through friendster, facebook, blogs o kung ano pa mang social networking sites.
- Mababaw lamang ang relasyon
- Pwedeng friends with benefits lang
I have a small chat with someone (oo, ikaw yun!) over the ym just this week and I do agree with what he has said that Friends do come and go.
At the age of 10, you may think you have 30 true friends.
By 20, 12 true friends.
By 30, 8 true friends.
By 40, 5 true friends.
By 50, who knows… some might be dead or some have just changed.
Friends are friends… they’re nice to have around. It’s just we want to have the truest of true from one’s point of view when the storm comes.
I ask,
magiging totoo ba itong kaibigan o papasagasa nya ako sa bus kapag dumating ang oras ng pagsubok sa amin?